ANG BUHAY KO with Lyrics by Pillars Band

 Ang Buhay Ko

by Pillars Band

Verse 1:
Mula ng ako’y maglingkod Sa’Yo
Tinanggap ko ang banal na salita Mo
Di ko lubos maisip na ako’y binago Mo
Di ko malirip ang kabutihan Mo
At habag ng pag-ibig Mo

Chorus:
Kaya O kay gandang maglingkod Sa’Yo Panginoon
Wala Ka ngang katulad kahit pa ang buong mundo
Nais kong ipabatid sa Iyo O Dios
hawakan Mo sa banal Mong kamay
Ang buhay ko

Verse 2:
Mga gawa ko noon sa sanlibutan
Ay di ko na muli pang babalikan
Dahil sa pag-ibig Mo
Malaya na akong makakatawa makakahiling
Sa pangalan Mo

Repeat Chorus 2x
Ang buhay ko
Ang buhay ko

Leave a Comment