Ang Pangako
by Redeemed Band
Verse 1:
Ano nga bang dahilan bakit ka nagkaganyan?
Hanggang ngayon ay di ko maintindihan
Akala ko noo’y sapat pangako mong magtatapat
Ba’t tila nagbago yata ang lahat
Pre-Chorus:
Sa isang iglap biglang nag-iba
Naglaho na ang dating sigla
Chorus:
Naaalala mo pa ba ang pangako?
Sumpa mong binitiwan di man lang nagtagal
Sa konting pagsubok ay tumigil
Iniwan ang tungkulin
May bago ka na bang mahal?
Verse 2:
Ginugol nating panahon umawit ng ilang taon
Sabihin mo sa’kin bakit nagka-ganon?
Nagsama sa luha’t saya maging sa lungkot at tuwa
Naglilingkod kahit puno ng problema
Verse 3:
Alam mo ba mula ng mawala ka
Nagbago na ang tono ng kanta
Lagi na kaming sintonado
Iba parin kapag ikaw ay narito
Verse 4:
Dati pag nagdadalaw kasama ka
Ngayon ikaw na ang dinadalaw nila
At yung picture mo sa bulletin
Lagi kaming tumitingin
Kasi sobrang miss kana namin
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba?
Ang pangako…
Ang pangako mo…