Banal Mong Tahanan
by Musikatha
Verse:
Ang puso ko’y dinudulog Sa’yo
Nagpapakumbaba’t, nagsusumamo
Pagindapatin Mo Ikaw ay mamasdan
Makaniig Ka at Sa’yo ay pumisan
Chorus:
Loobin Mo ang buhay ko’y
Maging banal Mong tahanan
Luklukan ng Iyong wagas na pagsinta
Daluyan ng walang hanggang
Mga papuri’t pagsamba
Maghari Ka O Diyos
Ngayon at kailanman