Itinakda
by: Kent Charcos
Verse:
Hindi alintana ang paghihintay
Kung ang nadaramay tunay
Sapat na sa akin ang ika’y pagmasdan
Hindi ko pagsasawaan
At kung ang hantungan ay ang di tayo
magkatuluyan
Di ko pagsisihan na
Ika’y nagustuhan
Chorus:
Labag man o ayon sa kalooban
Ko kung sino ang itinakda para sa’yo
Tatanggapin ko ng buong puso
Basta’t ikabubuti mo
Yun rin ang mas ikaliligaya ko
Oh pwede rin naman ako