Pag gising sa umaga
(Paggising sa umaga kay ganda, kay ganda)
by Pastor Vince Maddela
Recorded at FEBC (Far East Broadcastring Company)
under their “Sari-Likha 1” production.
Verse:
Pag gising sa umaga
Kay ganda kay ganda
Kay ganda ng mundong
Ginawa Niya
Ngayon lang nakita
Ang ganda ng mundo
Salamat sa Diyos
At ako’y binago
Nang tanggapin ko si Hesus
Aking Diyos,
Nagbago ang lahat sa buhay ko,
Bagong ligaya ang nadarama,
Bagong Pag-asa ang nakikita…
Chorus:
Lahat lahat ay aking ibibigay
Ibibigay pati aking buhay
Upang purihin Siya
Lahat lahat ay aking ibibigay
Ibibigay pati aking buhay
Upang purihin Siya
Nag-uumapaw ang aking saya
Pagmamahal Niya ay nadarama
Kay ganda ng buhay na nasa Kanya
Purihin ang Diyos, Purihin Siya