Salamat, Salamat (oh Hesus sa pag-ibig Mo)
by Malayang Pilipino Music
Kung aking mamasdan ang kalawakan
Hindi ko maunawaan.
Ang Iyong dahilan kung bakit ako’y
Pinili mo’t inalagaan.
Di ko kayang isipin, Ni hindi ko kayang sukatin.
Ang Pagibig Mo Hesus na Iyong binigay sa akin.
Chorus:
Salamat salamat oh Hesus sa pagibig Mo
Walang ibang nagmahal sa akin ng katulad Mo
Salamat Salamat oh Hesus sa pagibig Mo
Ako’y magsasaya sa Piling Mo.
Kung may pagsubok man, o kagipitan ako ay may lalapitan
Ikaw Hesus ang, aking sandigan
Hindi moko pababayaan.
Bridge:
Buhay ko nang purihin Ka,
Buhay ko nang Sayo’y sumamba.
Wala nang ibang nanaisin pa,
Kundi pasalamatan Ka.