TUGON | Makulimlim ang panahon | with LYRICS by Butch Charvet

 Tugon

by Butch Charvet

Makulimlim ang panahon
At di humuhuni ang ibon
Dumarating at nananaghoy
Puso mong di naghihilom

Sa pagdating ng bukang liwayway
At wala sa’yong dumaramay
Lalo lang nauupos
Ang pag-asang dati ng kapos

Kay hirap nang unawain
Ang pusong nasisikil
Tila ba walang pag-asa
Tila ba mundo’y nagunaw na

Ang nais ko ika’y mapansin
Ang yong damdami’y intindihin
Lalo lang lumalabo
Pagkat sila’y lumalayo

Ang tao nga’y sadyang ganyan
Minsa’y di na nga makaramdam
Ang nais mong ipabatid
Diyos na lang ang nakababatid

Kay hirap mang unawain
Ang tao minsa’y sakim
Ito’y di mo makakayanan
Kung si Hesus hindi mananahan
Sa puso mong tigang

Makulimlim ang panahon
At di humuhuni ang ibon
Dumarating at nananaghoy
Si Kristo ang iyong tugon

Ang puso mong di naghihilom
Si Kristo ang iyong tugon
Hindi ka man napapansin
Si Kristo ang iyong tugon


Leave a Comment