Dakilang Pagtatapat
By Pillars Band
I.
Di nagmamaliw kailanpaman
Ang pag-ibig Mong walang hanggan
Sa panahon man ng kasakunaan
Nariyan Ka’t nagmamahal
II.
Pagsubok at hirap sa karamdaman
Sa buhay ay maiwasan
Salamat pagkat nariyan ang Iyong biyaya
Siya ang nagpapagaling
Chorus:
Dakila Ka sa ‘Yong pagmamahal
Subok ko ang ‘Yong katapatan
Di mo ako pinababayaan
Sa kalagayan ko Ama
Luha ng pasasalamat ay di sapat
Sa Dakila Mong pagtatapat
Dakila Ka